Learn More About Erap: Now that he's in jail Rise to Power - San Juan to Malacaņang Family Tree - the Extended Version The Company He Keeps - Barkadas and Cronies Mansions, Billions, and more Unexplained and Illgotten Loot Jueteng and The Impeachment Trial Disgraced Exit - The Wrath of People Power 2 Justice Served - Why we want him jailed . . .
Sampu sa Sampung Utos |
Hindi kataka-taka ang pagsulong ni Erap sa kapangyarihan. Bilang artista ng pinilakang tabing, sinubok ang mundo ng pulitika. Naihalal bilang alkalde ng San Juan, mula roon ay naiupo sa senado, naging Pangalawang Pangulo, at noong 1998 ay nakatanggap ng malawakang boto bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa bilis ng kanyang pagkaluklok sa kapangyarihan, dali-dalian din naman ang pagbasura sa kanyang bantayog. Hindi pa nakakatatlong taon sa poder ay sapilitang itinaboy ng mamayang Pilipino ang mapanlinlang, mandurugas, kriminal at inutil na pamamahala ni Erap. Naging masakit na aralin sa taong bayan ang pagkahalal kay Estrada. Si Erap ay 'di pangkaraniwang tao. Tunay ngang wala siyang pinag-aralan. Hindi dahil sa kahirapan kundi sa sukdulang katamaran at pakikipagbasag-ulo. Isa siyang sinungaling. Ginamit niya ang kasikatan bilang artista para mailuklok sa kapangyarihan na kung saan ay nasa posisyon siyang magpakasasa sa kayamanan ng bayan. Kilala sa bisyong babae, alak, at sugal . . . nagawa rin niyang palakarin ang naghihirap na bansa sa pamamagitan ng pagnanakaw at paglustay sa kaban ng bayan para maluluhong mansion at ari-arian. Nakipagsabwatan pa sa mga kriminal na tulad ni Mark Jimenez, Bong Pineda at Baby Asistio. Nagkalat ang mga tulad ni Erap. Walang direksiyon ang panunungkulan ngunit naihahalal sa posiyon. Mag-ingat sa mga sinungaling, manggagamit, walang-alam at mabisyong artista-pulitiko! (Click here for a list of artista-pulitiko TRAPO) Si Erap ay isang TRAPO. Dapat ibasura sa kangkungan ng Muntinlupa. Katarungan ang sigaw ng bayan.
Justice delayed is justice denied. |
|
The other featured TRAPO of the month:
Miriam "Brenda" Defensor-Santiago
Komiks Courtesy of Philippine Daily Inquirer
Urban TRAPO by Fr. Robert Reyes
~ Pisara ng Balitaktakan ~
News Update on TRAPOs *
Anomalies and Controversies *
Justice Served
Sign Our Guestbook * View or Guestbook * TRAPO Home
Site Created and Maintained By Edsa Katarungan
Last Updated: March 12, 2001 Disclaimer: If you would like the article about you or your picture to be excluded from this site,
Since January 24, 2001
sorry ka na lang.
Ito ang hatol ng bayan.