BAWAL BASAHIN ANG NAKASULAT DITO!
[author unknown]

"WHAT'S THE PROBLEM???" ang tanong ng bago kong boss sa isang kasamahan. Kasama ako sa sasakyan na hindi makaalis-alis dahil sa red tape. Mukhang naghihintay pa ng pampadulas ang mga kinauukulan. Kuripot ang amo kong banyaga. Hindi nagbitiw kahit singkong duling. Makakalabas daw kami sa gate nang hindi nagbabayad ng kung ano-ano dahil yun daw ang ligal. Ma-prinsipyo. Bilib ako.

"That's why the Philippines remain so poor!" sabi nya. Mainit, pagod kami, at medyo bwisit. Doon nag-umpisa ang bwisit na kwentuhan. Na-culture shock daw sya sa Pilipinas pagtapak nya dito anim na taon na ang nakalipas. Laganap daw ang lagayan... at hindi sa pamamaraang patago. Hindi nya maintindihan kung bakit pumapatol daw tayong mga Pilipino sa ganito, gayong tayo rin ang nahihirapan. Kaya may mga nangongotong, dahil may nagpapakotong.

Tinahak namin ang Navotas papuntang pier. Akmang-akma ang lugar para lalo akong balahurain ng employer ko. "Manila (Metro Manila) is one of the dirtiest cities in the world" sabi nya. Parang musika sa tenga ko ang sinabi nya. Muntik ko na nga syang ilaglag sa sasakyan. Pero mas malakas ang sipa ng katotohanan. Madumi nga yung lugar na yon. "And it stinks, too!" dagdag nya.

"Filipinos hate Manila the way Americans hate New York", sabi ko. "Who loves busy, polluted cities, anyway?" Tumango sya at sinabing alam nyang marami naman daw magagandang lugar ang Pilipinas, pero hindi nya pa napupuntahan. Aha! Claire Danes syndrome, hinusgahan nya ang buong bansa ganong kili-kili pa lang nito ang nakikita nya!

Pero maganda nga ang tanawin sa aming paglalakbay. Mga batang walang panty at nilalangaw ang mukha. Mga kalalakihang walang t-shit at bagsak ang katawan sa shabu. Mga babaeng... mga babaeng... wala Kaming gaanong nakitang babae, dahil natatakpan sila ng sampung anak nila na busy sa pagsuso. Ayos din ang mga tenement. Sa malayo mukhang mga rectangular na smokey mountain. Sa malapit mukhang bangungot.

Yan ang view sa kaliwa namin. Gusto ko sanang tukuran ang mukha ng boss ko para wag nang makalingat sa kanan kung saan mas maraming tigyawat ang Pilipinas, pero nakita nya pa rin: mga basura, bahay, at bata na hindi mo malaman kung ano ang alin dahil sa kapal ng itim na usok ng mga sasakyan.

Marami syang komento, sinabi ko na lang, "Well, what do you expect from a third world country?" Talo na ko. Tama na ang yabang.

Pinag-usapan namin ang tungkol sa negosyo nya... na nauwi na naman sa gobyerno natin. Sandamukal daw ang mga buwaya, red tape, graft, at corruption dito. Tinanong ko kung baka dahil lang sa kulay ng balat nya kaya sya ginagatasan. Ang sagot nya: "No, Filipinos do it even to other Filipinos!" Kitang-kita ko ang pagbagsak ng bandera ng Pilipinas sa sinabi nya, naramdaman ko pa ang pagtama ng flag pole sa ulo ko! Nagdugo.

Maiintindihan nya raw kung mahihirap ang magnanakaw. Pero sa bansa natin, mga mayayaman ang malilikot ang kamay... mga edukado, titulado, at nasa gobyerno. No, Filipinos do it even to other Filipinos. No, Filipinos do it even to other Filipinos. No, Filipinos do it even to other Filipinos.

Patuloy ang pagtugtog nito sa isipan ko.

Ikinuwento nya rin ang ginawa sa kanya ng isa nyang empleyadong Filipina. Pinagbalakan syang pikutin nito. Oo nga naman, instant fortune yon kung saka-sakali. Mahahango sa hirap ang pinay na yon at ang kanyang pamilya.

Aba, andami na nating success stories na ganyan. Kahit ang leader ng bansa, ganyan ang konsepto ng pag-unlad.

Napag-usapan ang kultura, ang sex. Mababa rin ang tingin nya sa mga Filipina. Sabi ko e marriage before sex ang kultura sa Pilipinas. Umiling sya, Pinoy daw mismo ang nagsabi sa kanyang pakawala ang mga babae dito at mag-e-enjoy sya. Sabi ko, "Those are bitches and the guy who told you that is a pervert." Professional at kakilala ko pa pala ang nagkwento sa kanya. Asshole.

Totoo ang mga kwento ng boss ko. Nakakangilo sa ngipin, pero totoo. At bagama't nakakapikon sya minsan e mabait at mabuti syang tao. Sa bayan nila, hinihikayat ang mga tao na umunlad. Dito raw sa atin, pag umuunlad ang tao, hinihila pababa. Nakakatakot mag-negosyo kasi yari ka sa mga "tauhan" ng gobyerno. Pag nakitang namumunga ka, babatuhin ka nang babatuhin hanggang sa malaglag ang mga prutas mo. Walang pinagkaiba kung ligal o iligal ang negosyo mo... maglalagay at maglalagay ka rin sa mga kinauukulan. Bakit ka pa magli-ligal???

Hindi ko na babanggitin ang negosyo at bayan ng amo ko. Hindi pinag-uusapan dito kung "racist" sya o mas maraming kapintasan ang bansa nila. Ang issue dito ay "tayo". Hindi ako naiinis sa mga sinabi nya. Naiinis ako dahil TOTOO ang mga sinabi nya.

Sa pag-uwi ko sa bahay naisip ko: Bakit ang Hong Kong at Singapore, hindi naman gaanong nabiyayaan ng likas na yaman pero maunlad? Bakit ang mga Hapon, bobo mag-English pero mayaman? Sa Pilipinas kahit bawal magtinda sa sidewalk, may nagtitinda. Kahit bawal magtapon ng basura kung saan-saan, meron pa ring tapon nang tapon. Paano pa kaya uunlad ang bansa natin nyan?

Disiplina lang kaya talaga ang problema sa tin? Sigurado akong kahit sa mga sandaling to, may isang Pilipino na bumabasa ng isinulat ko dito kahit na sinabi ko nang bawal ito basahin.

Tigas talaga ng ulo!


Philippines etal

 

Anti-TRAPO Anti-ERAP

 

Weekly Newsbreak

 

 

The Hall of Fame

No reconciliation without justice!

The worst TRAPOs according to SANLAKAS
Article taken from ABS-CBNnews.com

Sanlakas names worst 'trapos'

Members of militant group Sanlakas named eight worst 'trapos' (traditional politicians) Friday during a protest rally before the Commission on Elections building in Intramuros, the ABS-CBN News Channel reported.

Among those named as "worst traditional politicians" were Ernesto Herrera and Frank Drilon for for being "anti-labor;" Panfilo Lacson and Gregorio Honasan for allegedly being human rights violators; Manuel Villar for spending House funds for his political advertisements; Juan Ponce Enrile for being instrumental in the implementation of martial law and Ralph Recto for doing nothing.

The inclusion of Sen. Miriam Defensor Santiago, Sanlakas said, "needed no explanation."


~ Pisara ng Balitaktakan ~

News Update on TRAPOs * Anomalies and Controversies * Justice Served
Sign Our Guestbook * View or Guestbook * Links * TRAPO home
Ang Katotohanan [the Truth]


Subscribe to TRAPO
Powered by groups.yahoo.com

Alumni.Net - Bringing School Friends Together

Site Created and Maintained By Edsa Katarungan
Since January 24, 2001

Last Updated: April 28, 2001

Disclaimer:
If you would like the article about you or your picture to be excluded from this site,
sorry ka na lang. Ito ang hatol ng bayan. Bato-bato sa langit, tamaan talagang pangit.